Ang tiyak na katangian ng kagandahan at kaganapan ay para sa Allah lamang, ang nag-iisang tunay na Diyos. Katotohanan, Minamahal ng Allah ang kagandahan.
Ang maluwalhating Qur’an ay ang huling kapahayagan ng nag-iisang tunay na Diyos(Allah), na ipinihayag kay Propeta Muhammad
Hinihikayat nitong tumulong tayo, magpakain at alalayan ang mga mahihina, mahihirap, nangangailangan at mga may kapansanan. Islam!
Sinabi ni Propeta Muhammad: “Ang pinaka mahabagin(Allah) ay may habag sa mga mahahabagin”
Ang mga Muslim ay tagasunod ni Propeta Muhammad , Hesus at mga Propeta. Ang Muslim ay ang taong sumusuko sa Allah ang nag-iisang tunay na Diyos.
Ang tunay na katotohanan sa Islam ay: Iisa lang ang Diyos na sinasamba, Ang Allah ang tagapaglikha ng lahat. Walang ibang mas nakakahigit at kahalintulad sakanya
Sinusunod ng mga Muslim ang ipinaguutos mula kay Muhammad, Hesus at Moises na itinuro nila at ginawa, tulad ng paniniwala sa iisang Diyos, pagdarasal, pagaayuno, pagbibigay kawang-gawa
Ang pagpatay ng inosenteng kaluluwa “Ay parang pagpatay sa buong sangkatauhan at sinuman ang magligtas ng isa rito – ay parang niligtas niya ang buong sangkatauhan” (Qut’an 5:32)
Noong makapasok si Propeta Muhammad sa Makkah at pinalaya ang mga tao rito mula sa idolo, pinatawad niya ang kanyang mga kaaway, at sinabi: “ Maari na kayong lumisan. Kayo ay Malaya”
Nilkha ng Allah(Diyos) ang kalupaan, karagatan, kagubatan, ang araw, ang buwan, ang mga kalawakan, ang mga daangtala at ang araw at gabi.
“Siya mismo(Ang Allah, Ang nag-iisang tunay na Diyos) ang naglikha sa gabi at araw, ang araw at buwan” (Ang Qur’an 21:23)
Ang mga Muslim na tumutungo sa Makkah para isagawa ang Hajj ay nasasaksihan ang kagandahan at pakinabang ng kanyang dakilang ritwal.
Ang pagpapahayag sa Islam: “Akoy sumasaksi na walang ibang Diyos maliban sa Allah, at ako’y sumasaksi na si Muhammad ay mensahero ng Allah”
Ang pahayag na sinasabi sa Arabic sa pagpasok sa Islam ay: “ASH-HADU ALLA ILAHA ILLA-ALLAH WA ASH-HADU ANNA MUHAMMADAN RASULU-ALLAH.”
Ang Islam ay nag-uutos sa atin na maging mabuti at alagaan angating mga pamilya, asawa at mga anak