‘Tawheed’ (Kaisahan at pagsuko) sa nag-iisang tunay na Diyos(Allah) ay ang diwa ng mensahe ng Islam.
Ang Islam ay ang tunay na relihiyon ni Adan at Eba at kanilang mga anak hanggang sa katapusan ng mundong ito.
Ang pahayag na sinasabi sa Arabic sa pagpasok sa Islam ay: “ASH-HADU ALLA ILAHA ILLA-ALLAH WA ASH-HADU ANNA MUHAMMADAN RASULU-ALLAH.”
Malinaw nitong sinasagot ang mga kritikal na katanungan ng sangkatauhan. Islam!
Hinihikayat nitong tumulong tayo, magpakain at alalayan ang mga mahihina, mahihirap, nangangailangan at mga may kapansanan. Islam!
Sinasabi sa atin nito na igalang at alagaan angating mga magulang at mas nakakatanda at maging mabuti sa ating mga pamilya, asawa at mga anak. Islam!
Itinuturo nito sa ating magpatawad at mahalin ang iba tulad ng pagmamahal natin sa ating mga sarili. Islam!
Inuutusan nito na igalang natin ang iba at makipag-ugnayan sa kanila ng malumanay(sa pamamagitan ng magandang pag-uugali at moralidad). Islam!
Hinihikayat nito tayong ngumiti ng taos-puso at maging mabuti sa iba. Islam!