Nilkha tayo ng Allah at alam niya angating mga lihim at iniisip ng ating kaluluwa, mga isip at mga puso. Alam niya kunga ano ang magpapalusog ng ating mga kaluluwa, isip at mga puso.
Ang tiyak na katangian ng kagandahan at kaganapan ay para sa Allah lamang, ang nag-iisang tunay na Diyos. Katotohanan, Minamahal ng Allah ang kagandahan.
Maaring makamit ng isa ang tunay na kaligayahan at katiwasayan ng isip sa pamamagitan lamang ng paniniwala at pagsuko sa tunay na nag-iisang Diyos(Allah)
Ginawa ng Allah ang buong sanlibutan kasama ang; oras, enerhiya at angkap. Siya ang nagpapanatili at namumuno sa sanlibutan at lahat ng nasa loob nito
Lahat ng mga nilikha ng Allah na ating nalalaman at hindi nalalaman ay aspeto ng kanyang walang hanggan na paglikha
Nilkha ng Allah(Diyos) ang kalupaan, karagatan, kagubatan, ang araw, ang buwan, ang mga kalawakan, ang mga daangtala at ang araw at gabi.
Ang Allah, ang nag-iisang tunay na Diyos ay hindi nakikita, walang nakakakita sakanya sa buhay dito sa mundo. Hindi nakikita ang kanyang anyo o di kaya ay magkatawang-tao
Ano ang mas makatwiran: Ang paniniwala na bulag na pagkakataon na namumuno sa lahat o paniniwala na ang sanlibutan ay nasa pamamaraan ng pagkalikha ng Diyos?