Sinabi ni Propeta Muhammad: “ Ang pinaka mainam ay yaong pinaka mainam sa kanyang pamilya, at ako ang pinaka mainam sainyo sa aking pamilya ”
Sinabi ni Propeta Muhammad: “Hindi kayo huhusgahan ng Diyos ayon sa inyong mga katawan at anyo ngunit titingnan niya ang inyong puso at inyong mga gawa”
Sinabi ni Propeta Muhammad: “Ang pinaka malakas ay hindi yaong kaya niyang patumbahin ang iba, ang tunay na malakas ay yaong napipigilan niya ang kanyang sarili sa oras ng pagkagalit”
Sinabi ni Propeta Muhammad: “Siya na kumakain sa hanggang sa kanyang kabusugan habang ang kanyang kapitbahay ay matutulog na walang pagkain ay hindi mananampalataya”
Sinabi ni Propeta Muhammad: “Ang pinaka mahabagin(Allah) ay may habag sa mga mahahabagin”
Noong makapasok si Propeta Muhammad sa Makkah at pinalaya ang mga tao rito mula sa idolo, pinatawad niya ang kanyang mga kaaway, at sinabi: “ Maari na kayong lumisan. Kayo ay Malaya”
Ang pahayag na sinasabi sa Arabic sa pagpasok sa Islam ay: “ASH-HADU ALLA ILAHA ILLA-ALLAH WA ASH-HADU ANNA MUHAMMADAN RASULU-ALLAH.”
Sa paglalarawan kay Propeta Muhammad, Inulat ng banal na Qur’an(68:4), “katunayan, Ikaw ay nasa pinaka mainam nap ag-uugali”
Ang tiyak na katangian ng kagandahan at kaganapan ay para sa Allah lamang, ang nag-iisang tunay na Diyos. Katotohanan, Minamahal ng Allah ang kagandahan.